Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Heaven, Ricci inintriga sa Siargao

0 103

NI: VINIA VIVAR

Mukha namang naka-move-on na si Heaven Peralejo sa break-up nila ni Kiko Estrada. Panay ang out of town niya lately at mukhang ini-enjoy niya ang kanyang single life.

Kamakailan ay nag-post siya ng mga larawan niya habang nagi-enjoy sa The Farm sa San Benito at ngayon naman, base sa kanyang latest post ay nagbabakasyon siya sa Siargao.

Last Monday ay sunod-sunod ang post ni Heaven ng kanyang sexy photos habang nasa Siargao.

In one post ay makikitang naka-maroon swimsuit siya sa tabing-dagat. Caption niya, “I can see clearly now.”

Sumunod naman na post niya ay naka-orange swimsuit siya at sa caption, aniya, “always peaceful in paradise @villacalisiargao.”

May TikTok video rin siya na nagsasayaw at sey nga niya sa caption, she’s loving every single day na nasa Siargao siya.

Pero marami ang nakapansin na nasa Siargao rin ang dating na-link sa kanyang si Ricci Rivero. Kaya sa comment section ay may mga nagtanong kay Heaven kung magkasama sila.

Makikita nga sa mga latest IG post at IG Stories ng aktor na nagbabakasyon din siya sa Siargao.

Magkasama nga kaya sila ni Heaven or nagkataon lang na pareho silang nagbabakasyon ngayon sa nasabing isla?

Anyway, matatandaang bago nagkaroon ng relasyon si Heaven with Kiko ay si Ricci ang natsitsismis na dyowa niya although wala naman silang pag-amin tungkol dito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.