Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Heaven wapakels na pamasak-butas ni Julia

0 74

Hindi naging issue kay Heaven Peralejo kung second choice man siya kay Julia Barretto sa seryeng Bagong Umaga na dating Cara Y Cruz.

As we all know ay si Julia ang first choice para gumanap ng role ni Heaven pero dahil nga lumipat na ang una sa Viva, inalis na siya sa naturang proyekto.

“I believe na wala naman pong first choice, second choice, eh,” pahayag ni Heaven sa ginanap na virtual conference para sa bagong serye last Thursday. “Sabi nga ni Mamu (Rizza G. Ebriega, production unit head), it’s all about the timing and what’s meant to be, meant to be. So, I think, nag-fall lang siya right into the place.”

Ang nasabing proyekto ay maituturing na biggest break ni Heaven na isa sa mga bida along with Tony Labrusca, Barbie Imperial, Kiko Estrada, Michelle Vito and Yves Flores. Kaya naman more than anything else ay sobrang thankful daw ng young actress nang i-offer sa kanya ito.

“Nun’g kinausap ako ng management about it, sobrang saya ko, at the same time, ‘ha? Ako pa ‘yung napili, of course.’ Pero dahil in-assure nila ako na they trust me with this role, so in-accept ko lang willingly, wholeheartedly,” aniya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Wika pa niya, “kung alam n’yo lang kung gaano kasaya ang puso ko para maibigay sa akin ‘tong role na ‘to. Sobrang thankful ako kina Mamu, of course, sa production, sa mga directors, sa ABS-CBN for giving me the opportunity.”

Of course, aside from being grateful, aminado naman siyang pressured din siya pero aniya, “for me, masayang maging pressured din para at least, gagalingan ko everytime para matuwa naman ‘yung ating mga viewers.”

Paliwanag naman ni Mamu, kasama raw talaga sa original cast si Heaven for a different role and they had to adjust nang maalis si Julia sa role at napagdesisyunan nga ng buong management na ibigay ito sa pamangkin ng dating aktres na si Rica Peralejo.

Samantala, on a different issue, natanong din kay Mamu sa zoom con ang pagkakatanggal din ng isang sikat na loveteam sa cast na sina Loisa Andallo at Ronnie Alonte.

Pero ayon kay Mamu, ang importante ay na-solve na ang anumang naging problema sa casting at ayaw na raw nilang balikan pa ang mga nangyari. Sa ngayon ay naka-focus na raw sila sa present cast at happy naman daw sila sa kanilang anim na bida.

Ang Bagong Umaga ay mapapanood tuwing hapon (2:30pm after It’s Showtime) simula Oktubre 26 (Lunes) sa A2Z Channel 11 , Kapamilya Channel, at Kapamilya Online Live.

Leave A Reply

Your email address will not be published.