Abante Tonite Interactive

Heavy Bombers bawi agad

By
8

Umiskor si Teytey Teodoro ng 19 points para ibangon ang JRU mula sa pagkakadapa kahapon sa FilOil Flying V Preseason Cup sa The Arena sa San Juan.

Sadsad sa Lyceum Pirates, 95-87, noong huli, kinalos ng Heavy Bombers ang Perpetual Help, 70-56, para ilista ang pang-apat na panalo sa limang laro.

Sa depensa sumandal ang JRU para pasadsarin ang Altas sa 2-3.

“Masaya ako dahil ipinakita ng mga bata na kaya nilang bumawi,” saad ni JRU coach Vergel Meneses. “Naging kampante kasi sila eh, akala nila kaya na nilang talunin ang ibang mga teams matapos nilang manalo sa La Salle,”

Nagtala si Teodoro ng limang three-pointers.

Tumikada rin si Ervin Grospe ng 12, may 9 points, 16 rebounds, at five assists si Abdoul Poutouchi sa Bombers.