Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Heechul walang balak magpakasal

0 272

Walang planong magpakasal si Super Junior Heechul. Minsan pa niya itong ipinagsigawan sa kabila na in a relationship siya kay Twice’s Momo.

Pero, host siya sa bagong show ng MBN na “International Couple.” Ang konsepto nito ay ang mga international married couple. Tila hindi pa makapaniwala si Heechul na totoong kasal ang mga ito.

Pero sinagot siya ng production na totoong nag-isang dibdib ang mga ito with marriage visas.

Marami tuloy ang naku-curious kung paano raw kaya si Heechul sa ganitong tema ng show ? Vocal kasi siya na walang intensiyon na magpakasal.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sabi ni Heechul, “I think it’s become a trend these days not to get married. I also don’t have any plans to get married.”

Hindi rin maisip ni Heechul kung bakit daw may mga ibang lahi na nagpapakasal sa mga Korean? At pagkatapos, iiwan ng mga ito ang kanilang homeland to live in Korea.

“I’m curious as to what is it about Korea that made them come here. I’m also curious as to the reason how they were able to give up their lives in their home country,” sey niya.

Kahapon, May 28, 11pm KST ang first episode ng International Couple.

Leave A Reply

Your email address will not be published.