Abante Tonite Interactive

Heidi Klum makalaglag-panga ang kaseksihan sa Grammy Awards

7,126

HINDI nagpakabog sa red carpet ang former supermodel at host ng Project Runway na si Heidi Klum sa nakaraang 60th Annual Grammy Awards. Namangha ang lahat sa suot nitong sheer black frock kunsaan kita ang lacy undergarments niya. Makalaglag-panga nga raw ito nung rumampa siya sa red carpet.

Pinakita lang ng 44-year-old supermodel na siya pa rin ang tinatawag na ‘The Body’ noong magsimula siya sa modeling business noong early ‘90s. Kinumpleto ni Heidi ang kanyang look with diamond earring at white rose sa kanyang kanang wrist bilang suporta sa Time’s Up movement.

Kilala si Heidi sa paglantad ng kanyang magandang katawan. Naglabas nga ito ng libro kunsaan ang mga photos niya ay hubo’t hubad na walang photoshopped na ginawa.

Bukod kay Heidi, napag-usapan din sa Grammy red carpet ang mga suot nila Lady Gaga, Cardi B, Hailee Steinfeld, Pink, Lana del Rey, Chrissy Teigen, Ashanti, Kelly Clarkson at Camila Cabelo.