Abante Tonite
Mabilis sa Balita

`Height’ binawasan sa pulis, bumbero, jail guard

0 52

Pasado sa ikatlong pagbasa ng Senado ang isang panukala na layong ibaba ang height requirement para sa mga Pinoy na gustong maging pulis, bumbero o jail officer upang dumami ang aplikante.

Sa Senate Bill No. 1563 o Height Equality Act na iprinisenta ni Senador Ronald `Bato’ dela Rosa, ang lalaking aplikante ay may minimum height na 1.5 meters o 5’2” habang ang mga babaeng aplikante naman dapat 1.52 meter o 5’0” ang taas.

Sa kasalukuyan, ang minimum height ay 1.62 metro o 5’3” sa mga lalaki at 1.57 metro o 5’2” para naman sa mga babaeng aplikante.

Nakasaad din sa panukala na ang mga aplikante na kabilang sa mga cultural community at indigenous people ay dapat awtomatikong pagkakalooban ng waiver para sa height requirement. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.