Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Helicopter ng Indian heneral bumulusok, 11 todas

0 124

Isang Army helicopter na sakay ang hepe ng depensa ng India na si General Bipin Rawat ang bumagsak sa Tamil Nadu nitong Miyerkoles.

Ayon sa Indian Air Force (IAF), sakay ng bumagsak na eroplano ang 14 pasahero, kung saan 11 dito ang nasawi.

Inaalam pa ang kalagayan ni Chief of Defense Staff (CDS) Rawat.

SM food to go Banner Ad

Dagdag pa ng IAF, naganap ang pagbagsak sa Nilgiris ilang sandali matapos lumipad ang Mi-series chopper mula sa base ng hukbo sa Sulur.

Agad namang nagsagawa ng rescue operations ang mga lokal na opisyal ng militar sa pinangyarihan ng insidente.

Samantala, sinabi naman ni Delhi Chief Minister Arvind Kejriwal at Madhya Pradesh Chief Minister Shivraj Singh Chouhan na pinagdarasal nila ang mga biktima sa insidente. (Sherrylou Nemis)

Leave A Reply

Your email address will not be published.