Abante Tonite Interactive

Helicopter operator kinasuhan ni Vanessa

561

Pormal nang kinasuhan ng biyuda ni Kobe Bryant na si Vanessa ang kompan­ya o operator ng bumagsak na helicopter ng National Basketball Association (NBA) legend na ikinasawi nito, anak na si Gigi at pitong iba pa noong Enero 26.

Sa harap ng libo-libong tagahanga na nagtipon sa Staples Center sa Los Angeles, California sa pagpupugay sa huling sandali para kay Black Mamba, inanunsyo ni Va­nessa ang pagkaso sa operator ng sasakyang panghimpapawid.

“Defendant Island Express Helicopters authorized and/or permitted a flight with full knowledge that the subject helicopter was flying into unsafe weather conditions,” nakasaad sa reklamo ng kampo ni Vanessa na inihain sa Los Angeles County Superior Court.

Nauna rito’y kabilang sa binuntunan ng sisi si Ara Zobayan, ang piloto ng bumagsak na chopper, dahil sa paglabag niya sa weather-related flight rules.

Papunta sana ang mag-amang Bryant at mga kasakay sa helicopter sa Mamba Sports Academy sa Thousand Oaks, California para sa isang basketball game nang bumagsak ang sinasakyan nila sa Calabasas, California. (Aivan Episcope)