Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Helmet tinangay ng hangin, magkapatid patay sa motorsiklo

0 525

Nasawi ang magkapatid na magkaangkas sa mo­torsiklo nang nawalan ng balanse ang driver nang tangayin ng hangin ang helmet ng angkas nito at bumangga sa harang na bakal sa gilid na kalsada sa Dasmariñas City, Cavite, Huwebes ng madaling-araw.

Kinilala ang magkapatid na sina John Michael Vincent Oyao, 24-anyos, binata, at Shane Ashley Oyao, 18, kapwa residente ng Mary Cris Complex, Camachile, Gen. Trias City, Cavite na kapwa namatay sa pinangyarihan ng insidente.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa ulat ni P/SSgt. Jesus Bae ng Dasmariñas City Police Station, kapwa magkaangkas sa isang motor­siklong Rusi ang magkapatid habang binabagtas ang kahabaan ng D. Mangubat Avenue, Brgy. Zone 4, Dasmarinas dakong alas-4:30 kahapon ng madaling-araw pero pagsapit sa tapat ng Army Navy restaurant ay tinangay ng malakas na hangin ang helmet na suot ni Shane na sinasabing dahil sa mabilis na pagpapa­takbo ni John.

Dahil dito, nawalan ng balanse sa manibela si John, nadulas at bumangga sila sa isang bakal na harang sa gilid ng kalsada na nagresulta sa kanilang agarang kamatayan. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.