Abante Tonite Interactive

Helper na suspek sa rape ng 15-anyos nakorner ng pulis

By
1,141

Isang trabahador na tatlong beses umanong ni-rape ang kanyang kapitbahay na 15-anyos ang nadakip ng Provincial Public Safety Company (PPSC) ng Bulacan-Philippine National Police makaraang makorner sa kanyang pinapasukang printing press sa Barangay Banga, Meycauayan City, Bulacan kamakailan.

Kinilala ni P/Supt. Ferdinand Germino, hepe ng PPSC, ang nasakoteng si Randy Bulos, 38-anyos at residente ng Pandi Heights II, Barangay Cacarong Matanda, Pandi na nakapiit na ngayon dahil sa kasong panggagahasa sa dalagitang kapitbahay na si ‘Neneng’ noong Enero.

Nabatid na pasado alas-otso ng umaga noong Linggo nang makatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad matapos na mamataan ang suspek sa Barangay Banga, Meycauayan City kaya kaagad na sinalakay ng pulisya ang lugar dala ang warrant of arrest. Hindi na pumalag ang suspek.