Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Helper namudmod ng `shaded’ balota tinimbog

0 43

Inaresto ng mga awtoridad ang 26-anyos na helper nang maispatang namamahagi ng ‘shaded sample ballots’ sa loob mismo ng isang paaralan sa Quezon City, nitong Lunes ng umaga.

Ang suspek ay nakilalang si Edward William Algura, 26, binata, helper/laborer, ALS graduate, at taga-Barangay Marilag, Project 4, QC.

Nakumpiska sa suspek ang ginutay-gutay na shaded sample ballots na may markings na “EWGA 1 to 3 05-09-2022”.
Sa report ni PCMS Elizalde T. Toledo, ng Project 4 Police Station (PS 8) ng Quezon City Police District (QCPD), alas-8:28 ng umaga (May 9), nadiskubre ang umano’y distribusyon ng shaded balota sa loob ng Teodora Alonzo Elementary School sa Legazpi St., Brgy. Marilag.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa pahayag ng testigong si Nonilon Esteban, 44, Admin Officer sa San Beda University at Cyril Abadilla, 30, kapwa law student sa Philippine Law School, at content moderator sa Google.

Ayon sa mga law students, nakita nila ang suspek na palakad-lakad sa loob ng paaralan at namamahagi ng mga sample ballots na may mga shaded ng mga kandidato mula sa national at local sa mga botante.

Agad namang inireport ang insidente kay Joey Santos, Department of Education Supervising Officer na nakatalag sa Teodora Alonzo Elementary School at inaksyunan ang reklamo. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.