Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Helper nangisay habang nag-aayos ng tangke

0 120

Nakuryente ang isang 42-anyos na helper habang nag-aayos ng overhead water tank sa Barangay Alimannao, Peñablanca, Cagayan ka­makalawa.

Kinilala ng Peñablanca Police Station (PPS) ang namatay na si Joseph Re­cheta, residente ng Barangay Gosi ng nasabing bayan.

Ayon sa PPS, bago ang insidente, umakyat umano si Recheta para magkumpuni sa itaas ng water tank sa bahay ng kanyang amo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinabi ng pulisya, aksidenteng nahawakan ng biktima ang open live wire na nakasabit sa wa­ter tank dahilan upang mangisay ito.

Nahulog pa umano si Recheta na agad dinala sa pinakamalapit na ospital ngunit siya ay dead-on-arrival. (Allan Bergo­nia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.