Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Helper sa Pier binoga

0 211

Patay ang isang 52-anyos na freelance helper sa Manila North Harbour matapos na barilin ng dalawang suspek, Sabado ng gabi sa Tondo, Maynila.

Namatay noon din ang biktimang si Cerce Maximo Jr. na taga-North Bay Boulevard, Navotas City dahil sa tama ng mga bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Habang nakatakas naman ang dalawang salarin na armado ng hindi natukoy na kalibre ng baril.

Ayon sa imbestigasyon ni P/SSg. Zoilo Nazario ng Manila Police District-homicide section, naganap ang insidente dakong alas-10:50 kamakalawa ng gabi sa SeaOil Compound ng Manila North Harbour.

SM food to go Banner Ad

Nabatid kay Ronnie Alabat, truck technician, na nagtatrabaho siya ‘di kalayuan sa pinangyarihan ng insidente nang makarinig siya ng sunod-sunod na putok.

Pinuntahan aniya niya ang pinanggalingan ng putok at dito niya nakita ang dalawang lalaking nakasakay ng motorsiklo at nagmamadaling umalis.

Tinangka ni Alabat na humingi ng tulong sa security guard para madala sa pagamutan ang biktima pero binawian na rin kaagad ito ng buhay.

Dinala ang bangkay sa Cruz Funeral para sa awtopsiya. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.