Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Helper todas sa kumalas na bakal

0 349

Todas ang isang truck helper nang aksidenteng mabagsakan ng kumalas na steelbar na binubuhat ng backhoe sa construction site sa Barangay Old Balara, Quezon City, Linggo ng umaga.

Ang biktima ay si Jojit Canale Cabulit, 42, may asawa, helper ng Golden Express at taga-Barangay Sta. Lucia, Pasig City.

Agad naman naaresto ang suspek na si Ricardo Tanteo Tapel, 67, may-asawa, backhoe operator ng Multi-System Construction and Development Corp., taga-Barangay San Roque, Marikina City.

Related Posts

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, bandang alas-7:37 ng umaga (March 21) nang maganap ang aksidente sa construction site sa MWSS Compound, Katipunan Road, Barangay Old Balara.

Sa imbestigasyon ni PCpl. Jacky Dela Pena, ng QCPD Anonas Police Station-9, ang biktimang si Cabulit ay truck helper ng Golden Express na nagdedeliber ng mga bakal o steel bars.

Nabatid na habang ibinababa ang bungkos ng steel bars na binubuhat ng backhoe ay dumulas ang mga ito at aksidenteng dumiretso sa kinatatayuan ng biktima dahilan upang bumagsak sa semento.

Ang senior citizen na nagtatrabaho pa bilang backhoe operator ay nakapiit na ngayon sa Anonas Police Station. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.