Abante Tonite Interactive

Helper umihi sa live wire, patay

0 425

Nasawi ang 46-anyos na helper nang nakuryente matapos na naihian ang isang steel wiring sa kanyang pinagtratrabahuan sa Bacoor City, Cavite.

Dead on the spot ang biktimang si Jose Gines ng Brgy. Campo Santo 1, Moncada, Tarlac.

Sa ulat ni Pat Jerome Asid ng Bacoor City Police Station, ang biktima ay nagtratrabaho bilang helper sa isang trucking company kung saan may ginagawang proyekto sa Breeze Woods 1 Phase 2, Brgy. Mambog 1, Bacoor City, Cavite.

Dakong alas-10:00 Biyernes ng umaga habang naka-break ang mga empleyado ay umalis ang biktima at umihi sa isang madamong lugar.

Gayunman, ilang oras na ang nakakaraan ay hindi pa rin bumalik ang biktima kaya hinanap ito ng mga kasamahan pero natagpuan ito sa isang madamong lugar na nakadapa at wala nang buhay.

Hinihinalang nakuryente ito nang naapakan at naihian ang isang steel wiring sa lugar.

Isasailalim sa awtopsiya ang katawan nito upang malaman kung ano ang dahilan ng kanyang pagkamatay at kung may naganap na foul play. (Gene Adsuara)

Tonite – Wendys Inhouse Ad