Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Helterbrand ‘uutang’ ng P5M kay Caguioa

0 67

Muling pinatunayan nina Mark Caguioa at Jayjay Helterbrand ang kanilang pagkakaibigan, sa loob at labas man ng hard court.

Sa Youtube video ng Rec.Create, sumalang ang tambalang ‘Fast and the Furious’ sa lie detector challenge kung saan kapag ‘nagsinungaling’ ay kailangan mag-shot ng Primera Light Brandy.

Dito naitanong ni Jayjay sa kanyang pakner na papaano raw kung dumating ang araw na maubusan siya ng pera, handa ba siyang pautangin ng P5M ni Caguioa?

Related Posts

Mabilis ang naging tugon ni ‘The Spark’, kaagad na umoo sa napakalaking halaga.

“P5M? That’s a lot! But I would though you know,” ayon kay Caguioa habang humahagalpak ng tawa si Helterbrand.

Base sa lie detector test, hindi nagsisinungaling si Caguioa sa kanyang tugon, at nang matanong naman si Helterbrand kung siya ang handang magpautang, sabi nito ay kahit kidney niya ay ibibigay niya para sa matalik na kaibigan. (Raymark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.