Abante Tonite Interactive

Hen. Malvar namuno sa pagtulong sa 1911 Taal Volcano eruption

0 389

Ipinagpaliban ang location shooting ng “Malvar,” isang pelikulang tungkol sa buhay ng Pambansang Bayani na si Heneral Miguel Malvar sa Batangas, Cavite, Laguna at Rizal dahil sa pagsabog ng Taal Volcano na matatagalan ang epekto. Ito ay ayon sa JMV Film Production na Producer ng “Malvar” sa pangunguna ni Atty. Jose Malvar Villegas Jr., Founder ng Citizen Crime Watch (CCW) at ng Katipunan Kontra-Krimen at Koruption (KKK).

Pero ang location shooting sa Visaya ay itutuloy kaagad upang hindi maantala ang pelikula na isasali sa darating na Metro Manila Film Festival 2020.

Noong 1911, isa sa pinakamalakas na pagsabog ng Taal Volcano na humigit kumulang sa 1,135 ang namatay. Si Heneral Miguel Malvar ang namuno ng relief operations upang tulungan ang mga nasalanta ng pagsabog nito. Noong mga taon na iyon ay bumalik na ulit ang magiting na Hereral bilang isang pangkaraniwang mamamayan, pagkatapos ng Digmaang Pilipino-Americano.

Ang pelikulang “Malvar,” ayon kay Atty. Villegas ay sa pangunguna ni Sen.Manny Pacquiao na gaganap bilang Hen. Malvar at isang all-star cast sa pamamahala ni Camarines Sur Vice Gov. Imelda Papin, Pangulo ng Actors Guilt of the Philippines, ay ipapakita ang kabayanihan ng mga bayani sa Visaya katulad ni Hen.Pantaleon Villegas, Graciano Lopez Jaena, Hen. Teresa Magbanua, Hen.Alcadio Maxilom, Hen. Aniceto Lacson, Hen. Julio Diaz, Hen. Juan Araneta, Hen.Mateo Luga, Hen.Gavino Sepulveda, Hen. Pantaleon Del Rosario, Col. Eugenio Daza, Hen. Vicente Lucban, Hen.Martin Delgado, Hen. Quintin Salas, Hen. Leandro Fullon at Ramon Avencena.