Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Heneral Kalentong uukit ng kasaysayan

0 309

MATUTULDUKAN ngayong araw ng Linggo ang debate ng mga karerista kung sino ang mas magaling na kabayo kina Heneral Kalentong at Union Bell.

Magtutuos sina Heneral Kalentong at Union Bell sa 2020 PHILRACOM 3rd Leg Triple Crown Stake race na pakakawalan sa Metro Turf sa Malvar-Tanauan City, Batangas.

Sinikwat ni Heneral Kalentong ang 1st at 2nd leg kaya naman pakay na angkinin ang 3rd para maukit ang pangalan nito sa history ng karera na naka-sweep.

SM food to go Banner Ad

Hindi nakasali si reigning Presidential Gold Cup champion Union Bell sa unang dalawang leg kaya plano nitong saltohin ang pangarap ng kanyang kapatid na si Heneral Kalentong.

Pero malulupit din ang makakalaban ng mag-utol dahil kasali sa event na may distansyang 2,000 metro sina Sky Shot, Winner Bidder, Blazing Bullet, Lucky Savings at Cartierruo.

Kukubrahin ng owner ng unang kabayong tatawid sa meta ang P1.8M, suportado ito ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM). (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.