Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Henry pinalit kay Ted sa TV Patrol

0 300

NI: ROLDAN CASTRO

May kapalit na si Ted Failon sa TV Patrol. Matatandaang nagpaalam si Ted sa nasabing programa nang lumipat sa Radyo Singko.

Simula Lunes (Oktubre 5), mapapanood na sa “TV Patrol” ang beteranong mamamahayag na si Henry Omaga-Diaz upang maghatid sa mga Pilipino ng pinakamalaking mga balita kasama nina Noli “Kabayan” De Castro at Bernadette Sembrano-Aguinaldo.

SM food to go Banner Ad

Lubos ang pasasalamat ni Henry, na mahigit 40 taon na sa industriya, sa oportunidad na makabalik sa pangunahing newscast ng ABS-CBN, kung saan nagsilbi rin siyang anchor noong 2001 hanggang 2003, at mula 2004 hanggang 2006 naman sa “TV Patrol Weekend.”

“Ang TV Patrol ay isa sa pinakamahabang newscast, biruin mo 30 years na ito sa ere, at pinakamalawak rin sa buong bansa. Hindi lamang nakakarating dito sa Pilipinas pati sa mga kababayan natin sa ibang bansa. Ang pagbalik ko sa TV Patrol ay isang malaking karangalan. Kahit na sabihin natin na limited ang platform ngayon, napakarami kahit sa social media ang nag-aabang at naniniwala pa rin sa TV Patrol,” aniya.

Sa kanyang pagbabalik sa “TV Patrol,” kinasasabikan ni Henry ang makasama ang kanyang mentor sa broadcasting na si Kabayan at dating co-anchor sa “TV Patrol Weekend” na si Bernadette.

Leave A Reply

Your email address will not be published.