Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Henson sabak sa PH quintet

0 44

Magdadagdag ng armas ang Gilas Pilipinas women sa katauhan ni Mai-Loni Henson para sa mga nakatakdang lahukan sa papasok na taong Vietnam Southeast Asian Games, China Asian Games at FIBA Women’s world cup qualifier sa ihahayag pang lugar.

Siniwalat ito ni national coach Patrick Henry Aquino sa weekly Philippine Sportswriters Association (PSA) online edition Martes na mga hatid ng San Miguel Corp., MILO, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant, Daily Tribune at PAGCOR.

Related Posts

Dating Washington University cager ang 6-1 na si Henson, na nag-average ng 6.7 points at 4.2 rebounds sa ALA Le Havre Basket sa France. Sasabak siya sa PH 5 bilang naturalized player. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.