Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hepe, 5 tauhan sibak sa viral video

0 133

SINIBAK sa kanilang puwesto ang hepe ng Kawit Municipal Police Station at limang tauhan nito matapos mag-viral ang umano’y marahas at illegal na pag-aresto sa isang babae sa Kawit, Cavite.

Ipinag-utos ni PRO4A Regional Director PBGen Vicente Danao Jr., ang pagsibak kina P/Major Gabriel Unay, Chief of Police ng Kawit MPS at tauhan nitong sina PSSgt Jayson Rapiz, PSSgt Jessthony Pagaran, PSSgt Jaymil Payuran, Corporals Gerry Cambarihan at Joey Pedimonte.

Sa ulat ng Kawit MPS, September 25 nang magsagawa ng police operation sa Brgy Tabon 2, Kawit, Cavite kung saan isang babae ang kanilang inaresto.

Ang nasabing pag-aresto ay nakunan ng Closed Circuit Television (CCTV) ng isang Apple Grace at nag-viral ang nasabing video.

Nakita sa video na pumasok ang operatiba sa bahay ng isang Dana Jamon at puwersahan siyang kinaladkad palabas sa harap ng kanyang mga anak.

Para kay Danao ang nasabing operasyon ay hindi katanggap-tanggap. “Such act is unacceptable”, ayon kay Danao. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.