Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hepe niratrat ng 4

0 38

PATAY ang hepe ng Public Order and Safety Office (POSO) matapos siyang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Barangay Lasip, Calasiao, Pangasinan habang papasok sa kanyang opisina sakay ng kanyang motorsiklo noong Martes.

Kinilala ni Calasiao Police Station CPS) chief-of-police P/Lt. Col. Ferdinand de Asis ang biktima na si Reynaldo Bugayong, 54, ng Barangay Dinalawan.

Sa inisyal na report, ayon sa CPS, nangyari ang insidente bandang alas-8:00 ng umaga.

SM food to go Banner Ad

Papasok umano ang biktima sa Calasiao municipal hall nang tambangan ng apat na hindi pa nakikilalang suspek na nakasakay sa dalawang motorsiklo bago mabilis na nagsitakas.

Samantala, mayroon nang itinuturing na persons of interest ang kapulisan sa insidente at tinitignan na rin kung may nakaalitan si Bugayong. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.