Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hepe, sarhento natakasan ng 3 preso

0 80

INIIMBESTIGAHAN na ngayon ang isang police station commander at ang jailer on-duty ng Davao City Police Office (DCPO) kasunod ng pagtakas ng tatlong detainees.

Sinabi ni DCPO spokesperson, Capt. Ma. Teresita Gaspan, na ang mga ito ay sina Maj. Alberto Abella, Sasa police station commander, at Master Sgt. Roger Babao, ang on-duty jailer.

“We are investigating whether they have involvements in the matter,” sinabi ni Gaspan kung saan posible aniyang makasuhan ng administratibo ang mga ito.

Pinalitan si Abella ni Major Jose Rodrigo Mendoza.

Samantala, sinabi ng DCPO na inalerto na nila ang mga kalapit na police stations sa Samal Island, Davao del Norte; at Sta. Cruz, Davao del Sur para sa coordinated manhunt operation laban sa tatlong pumuga noong Hunyo 16.

Kinilala ang mga ito na sina Alan Tilmaria Suluan, 22; Aljun Norbia Lulang, 19; at Agdokahal Montasi, 18.

Lahat ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.