Herbert ‘nakaburol’ kay Kris

1,753

Maraming netizen ang nanunukso kina Kris Aquino at Willie Revillame. Bagay umano kasi sila at makikitang mahal na mahal ni Willie ang mga anak ng Queen of All Media na sina Joshua at Bimby.

Sa latest update ni Kris Aquino, ibinahagi niya ang video nila ni Willie na kung saan ay nililibot nila ang kuwartong pagmamay-ari ni Willie. Talagang palagay ang loob nila sa isa’t isa.

Sey pa nga ni Kris sa caption, “listen to our conversation, hindi sinasadya pero parang pinaghalong sitcom na reality show kami ni willie.”

Dahil dito, hindi na naiwasan ng isang netizen na i-ship sila sa isa’t isa. Nakumpara pa nga si Willie sa dating ex-boyfriend ni Kris na si Herbert Bautista.

Komento ng netizen, “I like when you interviewed Willie sa yate nya! Sarap ng tawa mo dun. Haha! And compared to Herbert na hindi ka Kaya panindigan dhl andaming Hanash sa buhay. Wowowillie is way better noh! And for me OK ang narc-oc na Tao dhl perfectionist at tlgng may achievement sa life.”

Tugon ni Kris, “both comments I’ll answer here- GGS is GANDANG GANDA sa SARILI… and wag na tayo mandamay ng mga taong nakaburol na ang alaala, okay? Willie & I can joke w/ each other the way we do because we know we’re friends & he knows my sons both like & respect him because he’s been kind to us simply because he’s our friend- so let’s not mess that up.” (Rona Ronda)

Tonite – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...