Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Herd immunity sa bansa malabo pa — eksperto

0 90

Tinanong si Philippine General Hospital physician Dr. Gene Nisperos kung posible bang makamit ng Pilipinas ang herd immunity laban sa COVID-19 ngayong taon.

“Huwag na tayo magbolahan,” sagot niya sa programang ‘Balitaan at Kamustahan’ ni Jon Ibañez sa Politiko Live kahapon.

Dagdag niya, mahihirapan aniya ang bansa lalo pa ngayong nagbabago ang sitwasyon tulad ng pagpasok ng mga bagong variant at mahinang suplay ng bakuna.

“We are talking about less than 5 months to go. Nasa ilan pa lang ang nababakunahan natin, wala pang 10 porsiyento. Ano ba ang level na hinahabol natin sa herd immunity? ‘Yon kasi ang kailangang tingnan. Dati kasi, 70% of the population, so, mga 70 million.”

Posible aniyang umakyat pa sa 80% ang kinakailangang maabot para sa herd immunity dahil patuloy pa rin ang pagsipa ng mga kaso ng coronavirus araw-araw. (Zaerus Mariano)

Leave A Reply

Your email address will not be published.