Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Herlene keri sumungkit ng korona; hindi mukhang ‘hipon’ kay Ara

0 52

NI: VINIA VIVAR

Proud and happy si beauty queen-turned-actress Ariella Arida na napakasok ng Bb. Pilipinas si Herlene Budol aka Hipon Girl.

Malapit daw kasi sa puso niya si Hipon Girl bilang nagkasama sila sa Wowowin n co-hosts ni Willie Revillame.

“Actually, si Herlene, very close to my heart bilang nakasama ko sa Wowowin. I’m really, really proud of her,” sabi ni Ariella nang makatsikahan namin sa mediacon din ng Breathe Again.

Kuwento pa ni Ara (nickname ni Ariella), nagsabi pa raw sa kanya si Herlene na sasali ito sa BB. Pilipinas.

“Nagkita kami sa studio, sabi niya ‘ate, sasali ako sa Binibini, pwede ba ko?’ Sabi ko, ‘oo naman no, basta magtanong ka sa akin kapag may question ka,’” tsika ni Miss Universe-Philippines 2013.

Dahil nga komedyante si Hipon Girl, akala raw niya ay nagbibiro lang ito kaya nagulat na lang daw siya nang makita niyang sumali na nga ito.

“In fairness, sobrang nag-bloom siya,” papuri ni Ara kay Herlene.

Naniniwala ang former MUP title-holder na kayang-kayang kumuha ng korona ni Hipon Girl, either Grand International or International or any title.

So, hindi siya naniniwalang “hipon” si Herlene?

“Ay, ngayon pa ba? No!” natatawa niyang sabi.

Pero aminado siyang nakatulong daw kay Herlene ang bansag na Hipon Girl.

“Talagang sobra ‘yung recall until now sa kanya,” she said.

Mensahe niya kay Herlene, basta kailangan daw ang tulong niya or may tanong ito ay willing na willing siya to help.

Samantala, si Ara ang lead actress sa Vivamax Original Movie na Breathe Again mula sa direksyon ni Raffy Francisco. Kasama niya rito sina Tony Labrusca and Ivan Padilla bilang leading men. Mapapanood ito sa Vivamax simula sa June 3, 2022.

Leave A Reply

Your email address will not be published.