Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Herman Suizo ika-3 astig na marathoner

0 197

Si Herman Suizo ang lumilitaw na pangatlong tigasing Pilipino marathoner base sa performance niya sa mga full-marathon sa bansa at sa ibayong dagat.

Natalakay na po ng TP sa mga nakaraang linggo na ang 1-2 napili ko ay sina Eduardo ‘Vertek’ Buenavista ng Sto. Niño, South Cotabato at Roy Vence ng Bogo City.

Isinilang si ang dating football player na si Suizo noong Enero 19, 1959 sa Sta. Barbara, Iloilo at retirado nang naninirahan sa nasabing bayan ng naturang lalawigan sa ngayon.

SM food to go Banner Ad

Siya ay tumapos sa ika-59 na puwesto sa 87 finishers (may 23 ang nag-did not finish) sa 25th Summer Olympic Games 1992 sa Barcelona, Spain sa tiyempong 2:25:18, nagtala ng dating national record na 2:19:36 sa top 15 finish sa 1990 Seoul International Marathon sa Korea na nagsilbi ring 2nd Asian Marathon Championships.

Back-to-back Southeast Asian Games champion ang Ilonggo marathon runner sa 15th-16th editions sa Kuala Lumpur (2:23:19) at Manila (2:22:52), naghari sa 21st National MILO Marathon 1983 (2:28:57) at naging top Pinoy fiishers sa 1988 PAL Manila International Marathon.

***

Kung may komento o tanong po kayo, mag-email lang po sa ramilcruz2003@gmail.com at ramilcruz2003@yahoo.com. Hanggang sa susunod pong Miyerkoles mga ka-Abante TONITE.

Leave A Reply

Your email address will not be published.