Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Herndon, Beermen nilaklak NorthPort

0 104

Mga Laro sa Hulyo 6:
(Smart Araneta Coliseum)
3:00pm — Rain or Shine vs Meralco
6:00pm — Terrafirma vs Ginebra

ITINALA ni Robbie Herdon ang career-high upang itulak ang San Miguel Beermen sa quarterfinals sa paghablot ng 122-106 panalo kontra nanganganib mapatalsik na NorthPort Batang Pier sa unang laro ng eliminasyon kagabi sa 2022 PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum.

Nagtala si Herndon ng personal best nito na 21 puntos sa 20-minutong paglalaro tampok ang 5-of-9 sa tres dagdag ang 1 rebound at 1 assist upang manatili ang Beermen sa solong liderato at masiguro din ang isang silya sa quarterfinals.

Pinag-init ni Marcio Lassiter ang mga kakampi sa itinala nitong 18 puntos, 3 rebouhds, 3 assists at 2 steals habang tumulong sina June Mar Fajardo na may 21 puntos, 9 rebounds, 3 assists at tig-isang steal at block.

May 17 puntos si CJ Perez at 15 puntos naman si Paul Zamar.

Ibinuhos ng Beermen ang 31-13 atake sa ikaapat na yugto na nagsimula sa 80-all upang itala ang 113-100 abante at tuluyang iwanan ang Batang Pier.

Nagawa naman ni Arwind Santos na maging ika-17 lamang na miyembro ng 10,000-point club sa liga matapos nito ipasok ang jumper sa 11:24 minuto ng ikatlong yugto na nagbigay sa Batang Pier ng 59-57 abante.

Si Santos ang ikatlong PBA player na nakarating sa 10k career points sa nakalipas na 21 taon. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.