Abante Tonite Interactive

Hero anino ni Herbert?

390

May mga nagsasabing anino lamang ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang kanyang kapatid na si Hero.

Gayunpaman, hindi naman ikinakaila ni Hero na gusto niyang ipagpatuloy ang legacy na nasimulan ng kanyang tatay na si Herminio Bautista noong nabubuhay pa ito at nanunungkulan bilang public servant na ang ‘di matatawarang dedikasyon sa serbisyo publiko ay minana nilang magkapatid.

Proud din ang nahalal muli na QC konsehal sa kanyang kuya dahil sa panahon ng panunungkulan nito ay napakarami nitong nagawa bilang mayor ng Quezon City lalo na iyong may kinalaman sa kalusugan, edukasyon, kabuhayan at pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa naturang lungsod.

Sey pa ni Hero, hindi raw naman siya nabo-bother kung ikinukumpara siya sa kanyang Kuya Bistek.

Katunayan, nagsimula siya bilang child star at kahit noong bata pa siya ay nakitaan na siya ng potensyal sa pag-arte.

In fairness, isa rin siyang award-winning actor dahil nanalo siya bilang FAMAS best child actor para sa pelikulang “Roberta” noong 1979.

Lumabas din siya sa iba’t ibang pelikula tulad ng “El Presidente” at “Gangster Lolo.” Nagkaroon siya ng cameo role sa multi-awarded movie na “Rainbow Sunset” na naghakot ng maraming awards noong nakaraang 2018 MMFF.
May ginagawa rin siyang Netflix movie kung saan kabituin niya ang dalawang sexy stars na sina Daiana Menezes at Maria Ozawa. (Archie Liao)