Abante Tonite Interactive

Hero’s burial sa mga health worker na namatay sa COVID

0 574

Bukod sa P1 milyong death benefit na pinapanukala sa mga nasawing doctor, nurse at mga health worker na kasama sa mga frontliner sa pakikipaglaban sa paglaganap ng COVID-19, hiniling ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin na ilibing din ang mga `heroes doctor’ sa Libingan ng mga Bayani.

Nakalibing sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig ang mga dating naging presidente ng bansa, national artists, scientists, dignitaries, soldiers, war veterans at mga pribadong indibidwal na ginawarang bayani at mga martir.

Sa pinakahuling tweet ni Locsin , sinabi nito na magandang ideya na bigyan ng parangal ang mga doktor na nasawi sa pakikipaglaban sa COVID-19 bilang mga frontliner.

“ Great idea. A wall of honour. No, bury them there at the Libingan ng mga Bayani,” sabi pa nito.

“All of them, not just those from state schools but La Salle, UST, UE, FEU, etc. and other great great school hospitals with the misfortune to be privately owned at this time,” dagdag ng opisyal.

Ilang doctor na ang namamatay makaraang tamaan ng virus na dahilan nang pagdadalamhati ng marami sa pagkasawi ng mga binansagang ` fallen real-life heroes.’