Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Herro pinag-aligaga ang Heat

0 430

Mula sa makulay na rookie season ni Miami Heat shooting guard Tyler Herro noong nakaraang taon, tumatak sa koponan at sa liga ang basketbolista na isa siyang ‘instant celebrity.’

Ngunit ngayong 75th (2020-21) season, kapansin-pansin na mababa ang naiaambag ng player sa mga nakalipas na laro dahilan para mag-aalala ang mga fan at team niya.

Sa last four games, isang beses lang nakapagtala ng double-digit, 10 points, ang 21-year-old cager. Hindi rin ito nakapaglaro Martes dahil sa foot soreness kahit pinabagsak ng Miami (30-28) ang Houston Rockers (15-43) 113-91 sa American Airlines Arena.

SM food to go Banner Ad

Isiniwalat nina hosts Ethan Skolnick at Ira Winderman sa isang episode ng “Inside the Paint” podcast ang pagkawindang ng Heat kay Herro.

“Ultimately, the team starts to get a certain level of concern,” litanya ni Skolnick. “In this particular case, the team has been concerned now for months.” (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.