Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hesus, Ayaw Magpatawag na Panginoon

0 237

Ni Rey T. Sibayan

Mga ka-Misteryo isang psychic/channel ang nagsabing nakausap daw niya si Hesus. Alamin natin ang kanilang pinag-usapan.

Yan ang ating paksa ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin natin ang Totoo!”

Si Ramil ng Bulacan ay nagsabi sa #Misteryo na bigla umano siyang kinausap ng nilalang na nagpatawag sa pangalang Hesus. Mismong siya ay hindi makapaniwala pero bigla umano siyang kinausap habang pinapanood niya ang documentary series na The Jesus Code.

Misteryo: “Ayaw ko isipin na siya mismo si Jesus Christ, Paano nagsimula at tumakbo ang inyong usapan?”

Ramil: “Actually, saglit lang ang usapan namin at naka-half trance ako noon kasi nga nanonood ako ng tv. Bigla akong parang inaantok at ayun may kuneksyon na ako sa kanya. Mismong ako Ayaw ko isipin na siya si Hesukristo.”

Misteryo: “Nakapagtanong ka ba sa kanya tungkol sa buhay ni Hesukristo? Ano ang takbo ng usapan niyo?”

Ramil: “Ganito nung bigla siyang kumunek sa akin, tinawag ko pa nga siyang lord Jesus pero Sumingit siya sabay sambit na wag ko daw siya tawaging lord o panginoon, mas gusto siyang tawagin na kaibigan.”

Related Posts

Misteryo: “Siya ba talaga si Jesus Christ? May comment ba siya sa pinapanood mo? Ano masasabi niya sa pandemya ngayon?”

Ramil: “Una ayaw ko magtanong kung siya ba talaga si Hesukristo kaya kaibigan o friend tawag ko sa kanya. Yung documentary series na Jesus Code, sabi niya halos kalahati daw nun ay walang katotohanan kaya tinanong ko kung ano ang katotohanan, sumagot siyang ang pananampalataya ang katotohanan. Pero humanga siya sa pagkakalabas ng mga ebidensya.”

Misteryo: “Lumalabas sa kanyang komento ay siya nga si Heaukristo pero hindi ba niya inamin yun?”

Ramil: “Ayaw ko tanungin sa kanya yun kasi gusto ko maging kampante ako kaya nang tanungin ko siya sa pandemya. Sabi niya, matatapos din ang pandemya sabay sabi na may dumarating na tulong. At ang tao ay naka-adopt na bahagi daw ng proseso. Matatapos din ang problema.”

Misteryo: “Pagkatapos nun ay ano pa ang takbo ng usapan.”

Ramil: “Sabi niya wag mawalan ng pag-asa at mahalin ang kapwa. Sabay nagpaalam na ako sa kanya. At sinabi niyang kaibigan andito lang ako handa akong tumulong, magdasal at magtiwala.”

Totoo man o hindi na si Hesus ang nakausap ni Ramil, mahalaga kung ano ang mensahe niya sa tao.

Para sa inyong kuwentong karanasan mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at Abante.com.ph.

Leave A Reply

Your email address will not be published.