Abante Tonite Interactive

Heto na ang tag-ulan — Pagasa

2,227

Tapos na ang summer season at panahon na ng tag-ulan sa bansa.

Ayon sa Philippine Atmospheric­, Geophysical and Astronomical Services­ Administration (Pagasa) nakamit na ang criteria ng rainfall at umiiral na rin ang hanging habagat, na indikasyon na nasa rainy season na ang Pilipinas.

Bagama’t nasa panahon na ng tag-ulan ay makakaranas pa rin ng monsoon break o maalinsangan na panahon sa ilang bahagi ng bansa partikular sa Metro Manila na tatagal ng dalawang linggo at pagkaraan ay asahan ang pagpasok ng bagyo.

Ngayong nasa panahon na ng tag-ulan ang bansa ay pinayuhan ng whether bureau ang publiko na ma­ging alerto at mag-monitor ng lagay ng panahon. (Tina Mendoza)