Abante Tonite Interactive

Heussaff pinagtanggol ang asawa sa marumi ang utak

441

Nag-react ang mister ni Anne Curtis na si Erwan Heussaff sa mga pangba-bash sa aktres dahil sa mga sexy scenes nito sa pelikulang “Just a Stranger”.

Nag-post si Anne ng poster ng movie nila ni Marco Gumabao at sa ­comments section ay may mga kumuwestiyon sa aktres­ kung bakit guma­gawa pa ito ng sexy film gayung may asawa na ito.

Isa sa mga komento ay ito: “Awkward na tingnan ms.anne parang you should avoid scenes like this since your married already. I’m sorry for the inconvenience but that’s the first thing come to my mind. But I guess the story is ­something different and I know it’s good to watch for……”

Tanong naman ng isang netizen, “how does Erwan feel about this?”

Komento naman ng isa, “tingnan nyu sa poster, kung kayu nagagandahan pwes ako hindi….d na kc bagay sa sitwasyon nya ngayon eh…”

“Alam mo ba bagay sayo now, magkaroon na kayu ng anak para magiging boo family nyu wag yung ­feeling dalaga,” ­sey ng isang netizen.

Saad naman ng isa, “waiting for Erwan’s comment­.”

At hindi naman sila ­nabigo dahil umentra nga si Erwin para ipagtanggol ang misis. And in fairness, pinahanga na naman kami ng mister ni Anne for being a supportive, understanding­ and loving husband.

“Hilarious comments. Last I checked, I’m the husband­ and I know how I feel (which is completely fine by the way, thanks for asking). So no need to throw around words like disrespect or dictate what a person should or shouldn’t do after getting married.

“I’ve known my wife as an actress, since day 1 and I have the utmost admiration for what she does. End of story.

“I don’t feel awkward or uncomfortable when wat­ching these movies (you guys commenting make it awkward), I actually ­actively gave Anne ­inputs when I read the script on how I think the story could be develo­ped or portrayed.

“So, let’s stop ­talking about marriage like it needs to change people. Most successful marriages I know are those where both parties kept their identity intact­ and grew as a couple.

“Also, let’s not be sexist people, if this was a married guy actor doing love scenes, no one would have any issue with it,” ang mahabang­ pagtatanggol ni Erwan kay Anne.

Sumagot naman si Anne ng “Je t’aime mon amour” na ang ibig sabihin ay “I love you, my dear.”

Hirit pa ulit ni Erwan, “watching it next week.”

Robin pinakilig si Mariel sa wedding anniv nila

Sobrang na-touch si Mariel Rodriguez sa inihandang napaka-romantic na dinner set-up ng asawang si Robin Padilla para sa kanilang wedding anniversary.

Ikinuwento ni Mariel sa kanyang Instagram post ang kaganapan simula pa lang pagtuntong niya ng Manila Pen kung saan ay inabutan na raw siya agad ng ­flowers­ ng napaka­gwapo ­niyang mister.­

“Our 9th ­anniversary date.­ I came from the ­hospital for my weekly non stress test and check up. Arrived at Manila Pen at 8:45pm my handsome ­husband ­neatly shaved wearing white pants and his ­katipunero uniform was waiting for me at the entrance­ with a huge ­bouquet filled with baby pink and lavender roses and pink star ­gazers my favorite­ flowers to greet me a ­happy ­anniversary,” ­simulang kuwento ni ­Mariel.

Pagpasok naman nila sa lobby, may tumutugtog namang orchestra at ang nakakatuwa, naroroon pa raw ang mga action star na kaibigan ni Binoe na since 12pm ay naghihintay na para tulungan ito sa paghahanda ng anniversary dinner.

Pagkatapos nito ay ­dinala na raw siya ni Binoe sa room kung saan sila magdi-dinner at may violinist namang tumutugtog.

“My husband led me to Old Manila, a restaurant I have never been to, inside had a formal fine dining ambiance with 2 other couples occupying 2 tables, he continued to usher me to the Ramon Magsaysay Room where a violinist was playing ‘ikaw’ another favorite theme song.

“The whole night had Robin written all over it … I knew we were going to have dinner but i had no idea it would be this romantic and special. Thank you so much my babe for the 9 best years of my life and the memorable dinner last night. I love you!!!” pagtatapos ng TV host.