Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hidi patok na Atleta ng Taon

0 82

Tanging gold medal ang puntirya ni Hidilyn ‘Hidi’ Diaz sa 32nd Summer Olympic Games 2020+1 sa Tokkyo, Japan nitong July 23-August 8, ang pinangarap niya sapul nang unang sumabak pa pa lang sa quadrennial sports conclave noong 2008 sa Beijing.

Makalipas ang 13 taon, nakamit ng Zamboangueña weightlifter ant misyon sa 55kg division nitong Hulyo sa Land of the Rising Sun, para sa unang gold ng bansa mula noong 1924 Paris Games.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang makasaysayang nagawa ng 30-anyos na dalaga ang naglagak sa kanya bilang top achiever ng Philippine Sportswriters Association (PSA) para sa buwan ng Hulyo at maging paborito sa prestihiyosong Athlete of the Year award na ibinibigay kada taon ng oldest media organization sa bansa. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.