Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hidilyn bago pakner sa training

0 150

TIYAK na mag uumento ang lakas ni 2016 Rio de Janeiro silver medalist Hidilyn Diaz dahil sa bagong training accessories na kanyang ginagamit.

Sa post ni 28-year-old Diaz sa kanyang Instagram account, masaya at kuntento ito sa bagong kasama nitong training accessories.

“After testing and training with my @hookgrip training accessories, I am happy to announce with you the collaboration between #teamHD and @hookgrip,” caption ni Diaz sa kanyang IG.

SM food to go Banner Ad

Kasalukuyang nasa Malaysia si Diaz at diretso na ito sa Tashkent, Uzbekistan para sumalang sa torneong magpapasok sa kanya sa 2021 Tokyo Olympic Games.

Isang qualifying tournament na lang ang sasalihan ni Diaz at pormal na itong sasalang sa nasabing quadrennial meet.

Noong Marso 2020 pa nasa Kulala Lumpur si Diaz, doon siya inabutan ng lockdown. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.