Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Diaz habol ang ika-4 na Olympics

0 465

Hindi papatinag kahit anong mangyari si weightlifting star at 2016 Rio de Janeiro Olympics silver medalist Hidilyn Diaz upang makatawan ang bansa sa pang-apat niyang Summer Games.

Naabutan ng lockdown si ang three-time Olympian lifter (2012 London at 2008 Biejing) sa Malaysia dahil sa paglaganap ng coronavirus disease sa mundo noong Marso, at hindi pa qualified sa naurong na 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Tokyo, Japan

“Mahirap na part siguro nun nangyari ang lockdown all around the world, ‘di namin alam gagawin kung ano ang next move, wala rin kaming kilala sa Malaysia, walang connection, di namin alam ang lugar, at ano mga bawal at pwede,” kwento ni Diaz sa MVP Sports Foundation Instagram page.

Ibinahagi rin ng 2018 Indonesia Asian Games gold winner ang pinagdaanang mental stress at kalungkutan sa kanyang pamilya ngayong may global pandemic.

Wika ni Diaz, “Then syempre during this moment ‘di maiiwasan na magka-anxiety, mag over think, may takot at ma-miss ang pamilya, sa oras na ‘to kasi talagang kailang ko rin ng pagmamahal at physical touch ng family.”

Ngunit punto ng Southeast Asian Games 2019 gold medalist, kailangan pa ring maging matatag para sa bansa ano mang mangyari. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.