Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Diaz ‘gumuho’ bago Olympics

0 140

Ibinahagi ni Tokyo Olympics 2020+1 women’s weightlifting 55kg champion Hidilyn Diaz na dumaan siya sa matinding pagsubok nang ma-postponed noong isang taon ang Summer Games dahil sa COVID-19.

Dahil sa pandemya noong Marso 2020, kinansela ang quadrennial sports meet at ngayong 2021 na tinuloy.

Inilahad ng 30-year-old Chavaca hoister sa ANC Huwebes, na napaiyak siya nang ipagpaliban ang pinakamalaking paligsahan sa mundo.

“Sa totoo lang, nang ma-postpone ang Olympics, umiiyak talaga ako,” kuwento ng 4-11 lifter na mula sa Zamboanga City. “Tapos, siyempre coaches ko mga naaawa, pero good thing nanriyan sila pinakinggan nila ako at sinabi nila na, we’ll stay, we will support you, we will be here. Malaking bagay ‘yun sakin.”

“Good thing Team HD may sports psychologist, si Doc Karen Katrina Trinidad. Ang sabi niya: You have to get it…kailangan i-handle mo ‘to day-by-day, kasi nga hindi mo ma-handle ‘yan by planning for the 15 months,” panapos ni Diaz. “Nagiging grateful ako day-by-day, naging productive ako day-by-day.” (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.