Abante Tonite Interactive

Hidilyn hahamakin lahat para sa BF

447

Ramirez, PSC gulantang!

Kinagulat ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pasabog na hinaing ni 2016 Rio de Janeiro Olympics weightlifting silver medalist Hidilyn Diaz kahit na tuloy ang pagbibigay ng ahensiya sa lahat ng kinakailangang suporta sa kanya.

Pinahayag ni PSC Chairman William “Butch” Ramirez, na isa sa kanilang prayoridad ang suportahan si Diaz dahil sa malaking potensiyal nitong putulin ang matagal na panahong pagkauhaw ng bansa sa unang gold medal sapul noong 1924 Paris Games.

“The government will continue to support her,” giit ni Ramirez kung saan dalawang requests for financial assistance para mapondohan ang pagsasanay nito sa China ang nadagdag sa inaprubahan ng ahensiya.

“We have pledged our support before, and we will continue to do so because we are focused on that Olympic gold as much as Hidilyn is.”

Si Diaz ang may pinakamala­king natatanggap na allowance kada buwan mula sa ahensiya sa lahat ng kapwa niya national athletes.

May P45k siya kada buwan maliban pa sa suweldo nito sa pagiging miyembro ng Philippine Air Force na rito’y sergeant naman siya at may monthly paycheck namang P31,484.

Ang gobyerno rin ang nagbabayad sa kanyang P25k kada buwan na condo unit na malapit lang sa Rizal Memorial Sports Complex pati na sa kasalukuyan niyang sariling Chinese coach at grupo ng nutritionist at sports psychologist.

Pero sa ‘di mabuting asal, umapela sa nakalipas na linggo si Diaz sa mga mayayaman at kompanya, binanggit niya sa isang public forum at sa socmed na nangangailangan aniya siya ng tulong pinansiyal sa asam mag-qualify sa 2020 Tokyo Olympics.

Pero base sa post ni dating PSC Chairman Aparicio Mequi, isa sa mga posibleng dahilan ni Diaz ay ang ‘di pagpayag ng PSC sa pagkuha sa serbisyo ng boyfriend nitong si Julius Naranjo na humihingi ng $1,900 monthly salary at board & lodging. (Lito Oredo)