Abante Tonite Interactive

Hidilyn may fundraising vs coronavirus disease

303

Nagsagawa si 2016 Riol de Janeiro Summer Olympic Games women’s weightlifting silver medalist Hidilyn Diaz ng isang online weightlifting seminar bilang fundraising project niya para makalikom ng pondo na pambili ng mga pagkain at kagamitan ng frontliners at health workers ng coronavirus disease 2019.

Mapapanoob ang online lifting seminar sa Instagram account na phweightlifting o PHI Weightlifting kung saan maaring magparehistro rin gamit ang nasabing apps.

“Want to learn the proper technique, common errors and related exercises of Snatch and Clean and Jerk in Olympic weightliftting? By joining the online seminar, you can help the relief efforts against the COVID-19 virus!,” ayon sa post ng 29-year-old, 4-foot-11 Zamboanga City hoister.

Ang mga interesado ay maari ring magsign-up sa https://bit.ly/HDWeightliftingSeminar-Registration.

Kasalukuyang nagti-training ang dalagang atleta-sundalo, kasama ang iba pang lifters sa Malaysia matapos ma-stranded habang patungo sa isang torneo sa Colombia. (Lito Oredo)

Tonite – Wendys Inhouse Ad