Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hidilyn siniwalat ‘gamot’ sa Omicron

0 52

Maging healthy!

Ito ang paalala ni 2020+1 Tokyo Olympics gold medalist weighifter Hidilyn Diaz sa kanyang mga kababayan.

Ibinahagi kasi ni Pinay weightlifter Diaz sa kanyang social media ang kanyang menu for the day at pinapaalalahanan ang mga tao na kumain ng masustansiya upang malabanan ang kumakalat na Omicron variant ng COVID-19 disease.

SM food to go Banner Ad

“Eat. Eat. Eat. Kumain ng tama at masustansiyang pagkain,” caption ng 30-anyos na atleta.

“Kailangan natin malakas ang resistensiya natin panlaban sa palaban na Omicron,” hirit pa nito.

Kasalukuyan kasing nagpapahinga si Hidilyn matapos tamaan ng COVID-19 nitong nakaraang linggo.

Bagamant may tama ng sakit ay protektado naman ito dahil kakapa-booster shot niya lamang nitong Enero 4. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.