Abante Tonite Interactive

Hidilyn, tinukso si Rocco kay Sanya

110

HAVEY: Balik-Kapamilya si Hero A­ngeles sa isang espesyal na role sa Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado.

Akala ko ay sa kanya mapupunta ang role bilang love interest ni Jane Oineza na gaganap bilang Hidilyn Diaz.

Ngunit dahil ang sentro ng kuwento nila ay tungkol sa pamil­ya, mas naging mabi­gat ang role bilang nakatatandang kapatid ng ating Olympic silver medalist kaya ito ang napuntang papel para kay Hero.

Bukod kina Jane Oineza at Hero A­ngeles, kasama rin sa epi­sode sina Sofia Millares, M­aricel Morales, Smokey Manaloto, D­ominic Roque, Ahron Villena, Brace A­rquiza, John Vincent Servilla, Mico Aytona, Kokoy de Santos, Laisa Comia at ang mahal ng ating Tang­law Diva na si Perry Escaño.

May natatangi ring pagganap ang nagbabalik-showbiz at ngayo’y public servant na ring dating sportsman na si Monsour del Rosario.

Isang kaabang-abang na episode na ito dahil sa inspirasyon at kara­ngalang handog ng kuwento ni Hidilyn sa ating mga Pilipino.

***

Rocco Nacino
Rocco Nacino

WALEY: Speaking of Hidilyn, bukod sa nakapag-ikot na siya ng guestings at nakapag-shoot na siya ng dala­wang commercials plus a lot of invitations for corporate honors, isa sa mga gusto niyang gawin ay suportahan ang kanyang paboritong young star na sportsman din na si Rocco Nacino.

Sa katunayan, nag-meet na ang dalawa sa isang impromptu lunch at doon nalaman ni Haidie ang naging takbo ng buhay at career ni Kuya Rocco niya.

Ang sabi ni H­aidie, “Ok lang ‘yan, Kuya Rocco, nagse-save si God sa ‘yo ng something better.”

Sa pagtatapos ng lunch, nagkabiruan ang dalawa na mag-record sila ng kanta together.

Pareho nilang gusto at nase-senti sila sa kantang Pamasko na Sana Ngayong Pasko.

Bagay na bagay ‘yan sa sitwasyon ni Rocco. Pati kaya kay Haidie?

Sanya Lopez
Sanya Lopez

At nagawa ring tuksuhin ni Haidie si Rocco about his Encantadia partner na si Sanya Lopez na natsismis na nahuling nakahalikan niya.

Todo deny si Rocco at sinabing, “Role lang ‘yun sa teleserye.”

Oh well, let’s see if Sanya shows up mamaya sa Oh Boy concert ni Rocco sa Music Museum.

Makakatulong kaya sa kanya ‘yun?

“Good luck,” sabi ng kanyang supporter at kaibigan na Olympic silver medalist na si H­idilyn Diaz.

***

WEHHHHH: Tahimik, as in tahimik si Kris Aquino pagkatapos ng nauna niyang paha­yag ukol sa u­nang ta­ping niya para sa isang talk show under APT Entertainment ni Mr. Tony Tuviera. Nang makausap namin ang ilang kaibigan sa Kapuso network, ang sabi nila ay end of September ang unang sinabi ng APT na pagtatapos ng Calle Siete.

Pagkatapos daw ay minove ito to first week of October. Saka doon siguro papasok ang show ni Kris ng hanggang ngayon ay clueless ang mga boss ng GMA 7.

Dahil sa naunang notice ng APT na pagtatapos ng Calle Siete ay open na for pitching and program formats ang timeslot before Eat Bulaga at hanggang end of December lang daw ang napirmahang kontrata ng kasunduan bet­ween GMA 7 and APT.

As for the arrangement and the offer kay Kris, clueless daw ang GMA 7 bosses dahil wala silang kaalam-alam daw dito,

Naghihintay silang mag-coordinate sa kanila ang grupo ng APT.

Basta, abangan na lang natin ang mga susunod na kabanata sa Reality Show at DramaRama ala Kristeta!

***

For your comments, opi­nions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.