Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hidilyn tumindig

0 148

Isang araw matapos siyang makabalik sa Pilipinas, naglabas ng mga katangian si Tokyo Olympics Hidilyn Diaz kung sino ang kanyang iboboto sa darating na Presidential elections.

Sa 20 segundo na video message na kuha sa kanyang quarantine facility sa Pasay City, sinabi ni Hidilyn, “Ang iboboto ko, yung pinuno na may pusong winner, hindi pusong talunan; ‘yung maka-Diyos at makatao, hindi makasarili; ‘yung magbibigay ng kalinga, hindi takot. Kayo rin, di ba?” (I will vote for a leader who has the heart for winning, and not a defeatist; someone God-fearing and humane, and not self-centered; someone who will care and extend support, not sow fear. You, too, right?)

Hindi kaila na nalagay sa panganib at pangamba si Diaz at kanyang pamilya noong 2019, nang madamay sa matrix ng ‘Oust Duterte Movement’.

Maging ang kanyang ama ay na-red tagged na miyembro ng NPA.

Ito ay sa gitna ng kanyang pagsasanay at paghahanda sa 2020 Tokyo Olympics.

Aminado si Diaz na isa ito sa nagtulak sa kanya para matagumpay na makuha ang gintong medalya sa Olympics at wakasan ang pagkauhaw ng Pilipinas simula pa noong 1932.

Hanggang ngayon walang paghingi ng tawad mula sa Malakanyang sa maling impormasyon na ito na ayon kay Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ay galing mismo kay Pangulong Duterte.

Sa courtesy call ni Diaz via zoom meeting, binati siya ni Duterte sa kanyang tagumpay sabay sabing “You already have the gold. Gold is gold. And it would be good for you to let bygones be bygones and dwell solely on your victory together with your family and, of course, with the nation.” Ibig sabihin, kalimutan na lang.

May kasabihan tayong mga Pilipino na nakamulatan na natin, “madaling magpatawad pero mahirap ang makalimot.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa karangalan na ipinagkaloob ni Diaz sa Pilipinas, nabuhay ang pag-asa ng maraming pilipino na nawalan ng hanapbuhay, di nakakakuha ng ayuda, di pa nababakunahan at mga naulila sa gitna ng pandemic.

Sa kanyang makasaysayang panalo, si Diaz ang ‘bagong bayani’ ng masang pilipino. (may karugtong…)

At ngayong nalalapit na ang eleksyon malaki ang magiging impluwensiya ni Diaz sa magiging desisyon ng mga botante sa pagpili ng susunod na pangulo.

Sa nangyari sa kanya sa nakalipas, hindi na maasahan na susuportahan ni Diaz kung sino man ang ieendorso ni Pangulong Duterte, anak man niya o kapartido.

Abangan ang malaking pagbabago sa mga survey kapag naging aktibo na si Diaz sa voter’s education at maging mukha ng tunay na pagbabago.

Ang naging aksyon na ito na Diaz ay hindi katanggap-tanggap para sa mga nakapaligid kay Duterte at kanyang mga troll farm.

Sa kabila ng kanyang tagumpay, marami pa rin sa supporter ni Duterte ang patuloy pa rin sa panggigipit sa kanya at pamilya resulta pa rin ng fake news courtesy of Panelo at Duterte.

Pero napatatag na siya sa nagdaang pangit na karanasan mula sa mga troll/DDS. At hawak ang gintong medalya, mas matapang niyang haharapin ang mga taong muntik nang makadiskaril sa kanyang pangarap.

Leave A Reply

Your email address will not be published.