Abante Tonite Interactive

Hield sinipa si Curry na NBA fastest gun

443

Si Buddy Hield ng Sacramento na ang fastest gun sa NBA.

Umiskor ng 31 si Hield na kinapalooban ng siyam na 3-pointers, nagdagdag si Harrison Barnes ng 25 at hinagupit ng Kings ang San Antonio Spurs 122-102 nitong Sabado.

Si Hield ang naging fastest player sa kasaysayan ng NBA na nakapaglista ng 800 career 3-pointers. Ginawa ito ng Sacramento sniper sa loob lang ng 296 games.

Si Stephen Curry ng Golden State ang dating fastest, naka-800 sa loob ng 305 games.

Kontra Spurs, 9 for 10 sa labas ng arc si Hield at hinarana ng “Buddy! Buddy!” matapos ibaon ang pang-siyam para ilayo ang Kings 120-98.

Dalawang magkasunod na pito naman ang ginawang pampatilig ng referees sa dakdak ni DeMar DeRozan.

Ejected ang Spurs guard nang matawagan ng dalawang sunod na technicals. Unang nabigyan ng magkasunod na offensive fouls si DeRozan, nagpanting ang tenga nang muling mapituhan sa defensive end at nagsimulang magtatalak.
Napituhan na ng unang T, tuloy ang paninigaw ni DeRozan sa officials at binigyan ng pangalawa.

Wala na ring saysay ‘yun dahil iwan ng 13 ang San Antonio.

“I felt like we were getting hit all night,” himutok ni DeRozan, tumapos ng 14 points at 6 assists. “Every little ticky-tack whatever they did seemed to get called. I just rather it be consistent on both ends.” (VE)