Abante Tonite Interactive

Higanteng birdie, viral sa social media

0 432

Kamakailan lamang ay naibahagi ang mga lumang larawan ng isang Harpy Eagle sa iba’t ibang plataporma ng social media.

Ito ay marahil na mukhang isang tao na naka-costume ang malaking agila kaysa sa isang ibon.

🔥 the Harpy Eagle from NatureIsFuckingLit

Makikita ang agila sa mga imahe na ibinahagi ng isang Twitter user at isang Reddit user sa iba’t ibang anggulo. Sa isang larawan makikita ang ibon kasama ang isang lalaki.

Makikita naman sa Reddit thread ang isang collage ng Harpy eagle. Nakakuha ang Reddit post ng higit sa 91,600 na upvotes ng wala pang 20 oras.

“It looks like a person wearing a costume,” sabi ng isang Reddit user.

Ang ganitong klaseng agila ay kinokonsidera bilang “birds of prey”.

Mayroong 2 klase ng Harpy Eagle: and American at Papuan. Sila ay ang pinakamalaki at pinakamalakas na raptor na matatagpuan sa mga rainforest sa buong mundo.

Isa sila sa mga pinakamalaking species ng agila sa mundo. Ang kanilang mga pakpak ay maaaring umabot ng hanggang 7 talampakan at 4 pulgada (224 sentimetro), ngunit tumitimbang lamang ito ng 8.5-20 pounds (3.8-9 kilograms).

Trina Martinez