Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Higanteng buwaya bumulaga sa Tawi-tawi

0 186

Nahuli ang isang dambuhalang buwaya sa bayan ng Simunul sa lalawigan ng Tawi-Tawi kamakalawa.

Sa ulat, bumulaga sa mga residente ang buwaya sa dalampasigan. Tulong-tulong naman ang mga residente at awtoridad upang hulihin ang hayop na tinatayang nasa 18 talampakan. Dadalhin umano ito sa tourism office.

Hindi umano ito ang unang beses na may nahuling higanteng buwaya sa nasabing bayan, noong 2017 ay nakaispatan din sa lugar ang malaking buwaya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.