Abante Tonite Interactive

Higanteng Fil-Am Expo sa 2020 kasado

294

Umuusad na ang pagpaplano para sa malakihan at dalawang araw na Filipino American Expo na gaganapin sa susunod na taon sa Dulles Expo Center sa Chantilly, Virginia.

“Powered by our renewed vision and conviction to develop and strengthen Fili­pino American businesses,­ we aim to bring the Fil-Am community together in a unifying­ cultural celebration as we showcase Filipino American excellence in business, the arts, community develop­ment, education, entertainment and much more,” saad ni Philippine American Chamber of Commerce (PACC-DC) President Christina Sison sa isang online news (inquirer.net)

Ayon sa PACC-DC, itatampok sa expo ang mga pagkain, sining, pagtatanghal, produkto, at musikang Pinoy.

Inaasahang ito ang magiging pinakama­laking Filipino event sa rehiyon dahil sa higit 100 negos­yong pagmamay-ari ng mga Pilipino, at nasa 91,000 rehis­tradong Fil-Am sa DC Metropolitan area.