Abante Tonite Interactive

High-flying Connie Hawkins banned dati sa NBA

100

Noong wala pang Julius Erving, kumakana na ng acrobatic shots at naglalakad sa ere si Connie Hawkins.

Nahasa siya sa playgrounds ng New York at naluklok sa Basketball Hall of Fame, pero napigil ang kanyang career noong kalakasang maglaro dahil binagsakan siya ng ban ng NBA matapos paghinalaang sangkot sa point-shaving scandal sa college.

Kinumpirma ng Phoenix Suns na namatay na si Hawkins nitong Biyernes sa edad 75.

Abante Hiring – IT dep

Edad 27 na si Hawkins nang kunin ng Phoenix, matapos maglaro sa mas mababang liga at sa Harlem Globetrotters.

Makalaglag-panga ang mga galaw ni Hawkins bago pa sumulpot sina Elgin Baylor, Julius Erving at Michael Jordan.

“He was Julius before Julius, he was Elgin before Elgin, he was Michael before Michael,” sabi noon ni longtime coach Larry Brown sa isang documentary ng ESPN. “He was simply the greatest individual player I have ever seen.”

Matanda na siya para sa rookie nang pumasok sa NBA noong 1969, tumagal sa liga ng seven seasons – apat dito sa Suns.

Pinagdudahan sa point shaving si Hawkins, pero hindi napatunayan.

Ang ibang players sa NBA, may pananaw na hindi tama ang naging trato sa kaso ni Hawkins. Nang ma-induct siya sa Hall of Fame noong 1992, binanggit ni Bob Lanier “(Hawkins) never got his just due, because obviously the media wasn’t big then.

Kasama sa Class of 92 ang dating Detroit Pistons center na si Lanier.

Isang season lumaro si Hawkins sa American Basketball League at dalawa sa Globetrotters, dalawa rin sa American Basketball Association bago naging NBA.