Abante Tonite
Mabilis sa Balita

High tech contact tracing kinasa sa Valenzuela

0 199

Sinimulan na ang high tech na contact tracing scheme sa Valenzuela para mas maging madali ang paghahanap sa mga close contact ng coronavirus patients sa lungsod.

SM food to go Banner Ad

Binubuo ang Mega Contact Tracing Center ng 100 contact tracer kabilang ang mga data encoder, disease surveillance officer, doktor, nurse, at iba pang mga may background sa medical field. Sila ang sumasagot sa mga tanong sa email hinggil sa mga naghihinala na nasapul sila ng COVID-19, gayundin sa mga tawag sa kanilang 24/7 hotline na 137-160.

Gamit din ng mga contact tracer ang Bantay COVID-19 software, isang program para sa lungsod at pinaglalagyan ng datos para sa contact tracing. Makatutulong ang ito para malaman kung saan dumarami ang mga kaso ng virus at kailangang isailalim sa localized lockdown. (SDC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.