Abante Tonite Interactive

High value target timbog, 10M shabu nasabat

0 195

Matapos ang ilang buwang pagmamanman, bumagsak na sa kamay ng pulisya ang isang provincial High Value Target (HVT) na tulak ng iligal na droga kung saan nasamsam dito ang nasa P10 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation kahapon sa Toledo City, Cebu.

Hindi na nakapalag pa nang arestuhin ng Toledo City PNP ang suspek na si Dandelo Cabajar, 42. Nakuha sa pag-iingat nito ang aabot sa 1.47 kilo ng pinaniniwalaang shabu na may street value na P9.96 milyon.

Ayon kay Cebu City Police station chief Police Lt. Col. Janette Rafter, may ilang buwan na rin umano nilang binabantayan si Cabajar na isa sa mga provincial HVT ng lalawigan ng Cebu.

“We have been monitoring him for quite some time already since he was identified as an HVT but he has been elusive. They do not trust anyone easily or engage in transactions because of the intensified anti-illegal drugs operation,” pahayag sa wikang Cebuano ni Rafter. (Edwin Balasa)